"Huli" //Dimples'POV] Nagulat ako nang biglang bumagsak ang dalawang lalaki sa harapan ko. Nakahiga si Renzi habang nasa ibabaw naman niya si Kai. Hawak nito ang kaniyang kamay habang magkalapat ang kanilang mga labi. Oh no! Ano ba 'tong scene na 'to? Ang sakit sa mata! Nagmadaling tumayo ang dalawa. Sabay pang nagmura at nagpunas ng bibig. "Masarap ba?" Sabay silang napatingin sa akin. Nginitian ko naman sila. Pareho na silang namula sa hiya. Hindi na maipinta ang mukha ni Renzi at mabibigat ang mga hakbang nito na lumabas ng silid. Samantalang nagtungo naman sa banyo si Kai at naghilamos. Naiwang nagkalat sa sahig ang mga prutas at bulaklak na dala nila. Sinundan ko si Kai habang pigil ang tawa. Nang makita niya ang mouthwash ko roon ay halos ubusin na niya ito sa pagmumog.

