[Mark's POV] "Bilangin mo ang mga daliri mo, Kai," biglang sabi ko nang hindi matiis ang panonood sa kaniya. Namumutla siya at balisa. Panay pa sabunot sa kaniyang buhok. Napatigil siya at napatingin sa akin. "What?" "Start counting your fingers dahil baka nabawasan na iyan ngayon. Alam kong kinakain na ng konsensya mo ang buong pagkatao mo and it's probably starting with your finger right now." "Damare!" sigaw niya. Tinawanan ko siya at muling itinuon ang paningin sa kalsada. Pabalik na kami ngayon sa hotel matapos maihatid sa hospital si Dimples. Mayamaya lang ay nag-iba bigla ang expression ng kaniyang mukha. "You know, I was kind of thinking na sana pala pinigilan ko na lang si Renzi sa pagligtas kay Dimples," aniyang nakatingin sa labas ng bintana. "Bakit? Selos ka?" "T

