[Kai's POV] Natuon ang lahat ng atensyon namin sa bunganga ng pinto. Why is she here?! "Hello, son!" nakangiti niyang pagbati saka ako sinalubong ng yakap. "My handsome son... Na-miss kita agad." "Mom! W-what are you doing here? Why are you here?" Kaagad na tumaas ang kaniyang isang kilay at inirapan ako. "Is that how you should react when you see your mom?" Lumunok ako saka hinawakan ang magkabilang balikat niya. "I'm sorry, mom. Nabigla lang ako—I mean, why didn't you call? Eh, di, sana, nasundo ka namin sa airport." Yumakap siya sa beywang ko at ipinilig ang kaniyang ulo na hanggang dibdib ko lang. Pagkatapos ay tumingala siya sa akin. "Well, I just wanna surprise you. I heard that Shun will be joining in a car race. I want to see him win the competition." Sinulyapan si S

