"Evil Plans" *** *** [Kai's POV] "It's settled," bulong ni Shun sa akin. Kapapasok lang niya sa room ko, hatid ang magandang balita. Kasunod niya si Renzi na nakasabayan sa hallway papunta rito. Napangiti ako sabay tango sa kaniya. No one else knows what we talked about kanina. Our little evil plan na kami lang dalawa ang nakakaalam. "Hep-hep! May sekreto na naman kayong magpinsan ha!" si Hiro. "Ba't di niyo kami isali para masaya?" "Relax, bro! You'll find it out soon," ani Shun sabay kindat dito. Renzi let out a heavy sigh saka niya ako pinasadahan ng seryosong tingin. "Ang pagkakamali ng ina ay hindi pagkakamali ng anak. If you're planning to take revenge, huwag mong idamay ang walang kinalaman." Tumingin ako sa kaniya na abot ang mga kilay. "Amen, Renzi! Nanenermon ka n

