chapter 49

1188 Words

[Dimples'POV] Wala akong ibang mapupuntahan. Madilim pa ang paligid at wala rin akong pera. Bukod doon, natatakot akong baka may makasalubong akong lalaki sa kalsada na kagaya ni Kai... Mapagsamantala! Kaya tiis-tiis na lang muna ako sa parking space ng gusali. Dito na muna ako maghihintay na sumikat ang araw. 'It's alright, Dim. Pagsubok lang 'to.' Sumandal ako sa isang haligi na hindi abot ng liwanag mula sa ilaw ng poste at pinadausdos ang likod ko rito. Hinayaan kong anurin ng mga luha ang bigat sa dibdib ko at humikbi habang yakap-yakap ang sariling mga tuhod. Ibinuhos ko na ang lahat. Gusto kong sagarin dahil bukas, hinding-hindi ko na iiyakan pa si Kai! Ilang sandali rin ang lumipas, kusang tumigil sa pag-agos ang mga luha ko pero nanatili akong tulala sa kinauupuan at kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD