"RENZIII! Tulong!" Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan ni Renzi at mabilis pa sa alas kwatro ang pagbaba niya. Lumiwanag kaagad ang mukha ko nang makita siya. Walang sinayang na oras at sunud-sunod niyang inatake ang tatlo. Sunod-sunod niyang sinipa ang dalawang lasing na agad namang bumulagta sa sahig. Tapos hinarap niya si Warren. Nanginginig itong napaatras habang si Renzi naman ay kalmadong humahakbang palapit dito. "Sino kang pakialamero? Hindi mo ba alam na pulis ako at magnanakaw 'yang babae na 'yan?!" Aba! At nagsinungaling pa! Hindi pinansin ni Renzi ang sinabi nito at nagpatuloy sa paglapit dito. "Kapag tinanggihan kayo ng babae, huwag niyo nang pilitin pa. Dalawa lang 'yan, eh... Either ayaw niya sa inyo dahil mabaho kayo, o ayaw niya sa inyo dahil panget kayo."

