“Hindi siya mawawala.” Mula sa pagtanaw kay Contessa na abala sa paglilibot sa mga stalls ng pinuntahan nilang food expo ay napalingon siya kay PJ. May pilyong ngiti ito sa mga labi at halatang tinutukso siya. “I’m just making sure na okay siya.” PJ chuckled. “Mukhang ikaw ang hindi okay eh. Mantakin mo, mula sa pagiging sikat na architect ay bumaba ang level mo sa pagiging driver. Pati yata ako kinuntsaba mo pa para lang may excuse ka to be with her.” Nasukol na nga siya ng kaibigan. “Bantay pari ka masyado. Daig mo pa ang asawa kung bumakod.” Lumagok muna ito ng rootbeer bago nagpatuloy sa pang-iimbestiga sa kanya. “What’s the score between the two of you? Ngayon lang kasi kita nakitang pinag-uukulan ng ganyang atensyon ang isang eba. Halos hindi ka na nga lumalabas to have fun.

