Nagising si Contessa sa iniindang sakit sa puson. Umatake na naman ang dysmenorrhea niya kaya halos mamaluktot na siya sa sakit. Naghalungkat siya ng sanitary napkin sa toiletries niya pero wala talaga siyang mahagilap. Sa lahat, 'yon pa ang nakalimutan niya. Ibinalabal niya ang tuwalya sa beywang upang matakpan ang gawing likuran at bumaba. Kay Manang na lang siya magtatanong ngunit imbes na si Manang Cleo ang maratnan sa ibaba, si Rafael ang natagpuan niya na kasalukuyang nagluluto ng kung anuman. "Si..si Manang?" Wala na siyang ibang choice kundi ang kausapin ito. Ganoon na lang ang pagguhit ng pag-aalala sa mukha ni Rafael nang sa paglingon nito ay makita ang pagngiwi niya kasabay ng paghawak sa kanyang puson. Ini-off nito ang stove, nagpunas ng kamay at mabilis ang mga kilos na lum

