Halos buong gabing hindi makatulog si Rafael. Kahit anong pikit ng mga mata ang gawin niya, naglulumikot naman ang iba-ibang ideya sa utak niya. Naaalala niya ang tagpong nakita kahapon at ang saya sa mukha ni Tessa habang kasama si Lawrence. Lawrence was staring at Contessa so tenderly, so lovingly. What’s the real score between the two of you?’ Mamaya, babalikan niya ang Angel’s Pastries. Kakapalan niya ang mukha, tatapangan ang sarili. Hindi maaaring magmukmok na lang sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito. “God!” Sinuntok niya ang dibdib. Naninikip kasi. Patagilid siyang nahiga pagkatapos at nakatitig lang sa labas ng hotel windows. Paglipas ng ilang sandali, tuluyan na ngang lumitaw ang araw. Maliwanag na sa paligid pero parang naiiwan pa rin sa dilim ang diwa niya. He start

