Pagdating ng Manila, sa opisina kaagad dumiretso si Rafael. Wala rin naman siyang ibang mapupuntahan. Ibuburo na lang niya ang sarili sa tarabaho. Iniiwasan niya rin ang magkulong sa bahay, mas lalo lang siyang mangungulila. Pagdating sa office, may meeting na kaagad na naghihintay sa kanya. Isang development project sa Davao City ang napipintong gagawin ng RSD ka-partner ang isang primyadong real estate developer. Davao’s real estate has undergone significant progress over the years. Makikisali na rin ang RSD. So far, gusto niya ang lugar na iyon. Sa kalagitnaan ng meeting, umilaw ang phone niya. Si PJ ang tumawag. Inignora niya ang tawag nito. Magyayaya lang itong mag-iinuman. Wala siya sa mood. Hindi pwedeng lunurin sa alak ang kalungkutan. Kailangan niyang mag-isip ng tama. Nagpo

