Kuntentong pinasadahan ng titig ni Rafael ang kinalabasan ng trabaho niya. Sinisigurado niyang wala ni isang dumi sa paligid ng magkatabing puntod nina Tiya Fifela at ng anak niya. Inayos-ayos pa niya ang pagkakapatong ng bulaklak sa dalawang puntod. Saka siya naupo sa mismong harapan ng puntod ng anak niya at hinaplos ang naka-engrave na pangalan nito. “You never even saw daylight, my son.” Sana nakarga man lang niya ito. “Kung alam ko lang sana, pero gago ang tatay mo, eh. Pinabayaan ang nanay mo.” “My wife and I saw this young woman on the ship. Papatawid kami ng asawa ko patungong isla. She looked lost. Blangko lang ang paningin at tila wala sa sarili. Naalarma kami nang mukhang tatalon siya sa dagat. But before she could jump, nawalan siya ng malay. Nang magising siya, iyak siya

