“Boss, gabing-gabi na, hindi ka pa ba uuwi?” Nakatingin lang siya sa nagtataasang mga gusali sa paligid. ‘Di siya nag-abalang lingunin si Annie. “Ipag-o-order ba kita ng dinner?” Doon na siya tuminag at nilingon si Annie. “No, but thanks, Annie.” Ilang sandaling nakatayo si Annie sa harap ng mesa. “Makikita mo rin siya, Sir,” sabi nito pagkatapos. Napapikit siya. Sana nga, sana. Contessa, umuwi ka na, daing ng puso niya. This emptiness is killing him. Nawawalan siya ng gana sa lahat ng bagay, sa buhay. Para ano pa ba at nakuha niya ang lahat ng karangyaan kung wala naman siyang pag-aalalayan sa lahat ng pinaghihirapan niya? Kung saan-saan na siya naghanap. Kahit suyurin ang buong Siquijor, wala ang kasintahan niya. Ang mga dating kakilala at mga kaibigan ni Contessa, walang masa

