Alumpihit si Contessa kung papasok sa kusina o hindi. Hanggang ngayon kasi ay kinakain pa rin siya ng hiya lalo na kay Manang. Nakakaeskandalo nga naman kasi ang naratnan nitong tagpo sa pagitan nila ni Rafael kahapon. Ang sarap sabunutan ng buhok niya. "Good morning ho, Manang." Alangan siyang batiin ang matanda na kasalukuyang nagsasalang ng kanin sa rice cooker. "Good morning din sa ‘yo, Contessa. Gusto mo ba ng gatas o kape?" ‘Di nakaligtas sa kanya ang mga tinging ipinupukol ni Manang. Mas tumindi tuloy ang hiyang naramdaman nya. “Ako na ho, Manang.” Kumuha siya ng mug sa lalagyan at sinimulan ang routine. Habang nagtitimpla, palingon-lingon siya kay manang. Nasa pagluluto lang naman din ang buong atensyon nito. Madalas naman silang nag-uusap ni manang pero sadyang nakakahiya

