They drove in silence. But this time ay may mga mumunting sulyap at manaka-naka ng ngiti na ipinupukol sila sa isa't-isa. Walang salitang namamagitan sa kanila. Driving in the middle of the highway, Rafael just looked contented. Payapa lang itong tingnan. Walang demands, walang tanong. He was just savoring the moment. Alam niyang sa gitna ng katahimikan ay may nabuong unawaan sa pagitan nila. Lihim na nag-uusap ang magkaugnay nilang mga puso. "Diyan ka lang," si Rafael nang akmang iibis siya ng kotse. Natatawang sinusundan na lang niya ito ng tingin. Kinuha pa nito ang mga gamit niya at ito ang nagbuhat patungo sa loob. Simple act of kinsdness na pumuno ng tuwa sa puso niya. Nang makabalik, pinagbuksan naman siya ng pinto. Pagdating sa kusina, ipinaghila siya nito ng silya. "Up

