Kabanata 11: Magkasaklob ang kamay namin ni Alas habang papasok sa restaurant na sinasabi niya, ayaw niyang bitawan ang aking kamay. Akala ko ay sandali lang pero hanggang makababa kami ay kinuha niya ulit ang kamay ko. Tinaliman ko ng tingin ang likod niya dahil bahagya siyang nauunang maglakad. He walked so proud and glory. "Welcome, Ma'am and Sir," bati ng guard nang pagbuksan kami ng pintuan. Akala ko ay hindi iyon papansin ni Alas pero bahagya niyang tinapik ang balikat ng bantay. "Thank you, Kuya." Napanguso ako, he looks so friendly and respectful. Ngayon ko lang napansin na gano'n nga siya, simula noon. Sa bawat pupuntahan namin ay lagi siyang nagpapasalamat sa guard or waiter na sasalubong at magsisilbi sa amin kahit iyon naman talaga ang trabaho nila, malaki rin siya mag

