Kabanata 10: My lips protruded as I stared at the woman in front of me, who was sipping iced coffee. Ate Angel, Dr. Jace's wife, and Kuya Travis' best friend. Hindi kami gano'n ka-close pero kilala ko siya bilang matalik na kaibigan siya ng dating asawa ni Ate, kaya bago pa niya maging asawa si Dr. Jace ay nakikita ko na siya. Hindi ko inaasahan na magkikita kami rito sa labas dahil ang huli kong natatanda na pagkikita namin ay binisita niya ang asawa sa institution at nasaktong nasa opisina ako noon. "Pineapple lang sa'yo? What else do you want pa ba? Ako naman ang mag-pay," konyong pilipit na tanong niya habang may ngiti sa labi. Wala akong makitang takot o pagkailang sa kanya habang kaharap ako. Na para bang hindi niya alam na galing akong mental. "May trabaho pa ho ako," sabi ko

