Kabanata 26: "Aiming the gun, stand proper, keep your finger to the trigger guard, focus to the target and shoot," I whispered then pulled the trigger of my handgun. Tatlong putok ang aking ginawa at nang sipatin ko ang target na human board sa kabilang dulo ay butas ang ulo no'n ng tatlong beses sa may gawing noo. Hindi ko mapigilan tumaas ang sulok ng aking labi. Not bad huh? Pumalakpak ang lalaki sa aking gilid. Inilapag ko ang baril sa lamesa saka inalis ang earphone sa aking tainga bago siya nilingon. "Ang galing niyo na po, Madam!" masiglang sabi ni Dan, ang nagtuturo at nagbabantay sa akin para sa araw na ito. Nakaupo siya sa isang puno na nakatumba, may hawak siyang mahabang baril. Mukhang tapos na rin siyang mag-practice shooting para ngayon araw. "Nasa bahay na ba sila?" ta

