Kabanata 27: INILAPAG ko ang bulalak na aking hawak sa bato sa aking harapan. Walang pangalan, walang date na nakasulat at tanging isang malaking pabilog na bato lang sa ibabaw ng lupa, napapalibutan ng mga damo at maliliit na ligaw na bulaklak. Tipid akong napangiti saka lumuhod upang linisin ang paligid ng kanyang munting libingan. "Aalis muna si Mama, kaya baka hindi kita m-mabisita ng ilang buwan. Kailangan pumunta ni Mama sa Manila para tumulong sa mga taong kumupkop sa akin, oras na para ako naman ang magbalik sa kanila," mahinang bulong ko, alam kong maririnig niya ako. Kahit pala halos limang taon na ang nakakalipas ay masakit pa rin. 'Yong sakit na kahit siguro lumipas ang ilang taon ay dadalhin ko pa rin. Nasa gano'n akong posisyon nang may nag-abot ng panyo sa akin, hindi k

