
Nang malaman ni Elize na ikakasal na ang Ate at nobyo niyang si Daryl, ay labis siyang nasaktan.
Para makalimot, nagpakalunod siya sa alak. Dala ng pagkabigo sa pag-ibig, ibinigay niya ang kanyang sarili sa estranghero.
Para kay Lorenzo, wala nang mas sasakit pa sa taong ipinaubaya mo na sa iba. Kaya naman sa sobrang sakit na nararamdaman, nakipagniig siya sa dalagang sinasambit ay ibang pangalan.
Makalipas ang dalawang taon, muli silang nagkita. May pag-asa pa ba para sa kanilang dalawa o patuloy pa rin silang magmamahal sa taong pagmamay-ari na ng iba?
