Masaya ako para kay Troye at Nathalie, alam ko na magkikita rin talaga sila I know na mahal na mahal ni Nathalie si Troye. 'Yong pagtataray niya nang magising siya alam ko na narinig niya talaga 'yong sinabi ko, kaya sigurado akong hindi niya hahayaan na mapunta lang sa akin si Troye. Sa naalala ko, maayos kami bago siya nakatulog ng matagal at alam ko na 'yong sinabi ko ang dahilan kaya naging malamig ang pakikitungo ni Nathalie sa akin. Kagaya ni Troye, inabala ko na lang din ang aking sarili sa pagtatrabaho para hindi ko laging maisip ang nararamdaman ko kay Troye. Wala ng mas sasakit pa na ikaw mismo ang tumutulong sa taong mahal mo para maging sila ng taong mahal niya. Napakalove triangle nga naman 'di ba? Ako mahal ko si Troye samantalang siya naman mahal niya si Nathalie. Oo masak

