"Anak bakit ka umiiyak?" Salubong sa akin ni Mommy. "Mommy si Troye po, akala niya Mommy niloko ko siya." Umiiyak kong saad dito. "Bakit anak, ano bang nangyare?" Nagaalalang tanong nito sabay nilapitan ako't pinunasan ang aking luha. I told her everything, ayaw ko sana na pati si Mommy idamay ko pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon pero dahil wala na akong mapagsabihan si Mommy na lang talaga and I'm so thankful kasi pinakinggan niya lang ako hindi niya ako hinusgahan. Sa mga panahong ganito dapat si Catherina ang sasabihan ko e pero dahil sa nangyare rin sa amin kaya nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kan'ya and I end up telling it to Mommy. "I will book a flight para mamaya anak, ready yourself okay? Your Tito Eric from America told me to send you there if you feel some

