Napatingala na lang ako sa langit nang tuluyan ng lisanin ni Nathalie ang park, hindi ko pa rin maiwasang magalit at magselos dahil sa nakita ko. Lalaki lang ako, kahit naman kung si Nathalie ang nasa sitwasyon ko alam ko na gano'n ang mararamdaman niya. Pumukaw ng aking atensiyon ang pagtunog ng aking cellphone. "Catherina Calling..." "Hey! Malapit na tayong matapos, you need to prepare your speech I know Nathalie would love this." Masiglang saad nito sa kabilang linya. "Really? Nice," saad ko naman habang pinipilit ang boses na magtunog masigla. "Is there something bothering you?" Nagaalala tanong nito. "Nothing, I'm fine Catherina." Saad ko sabay tumatawa kunware. "I know you're not okay, nasan ka and I will come to you." Saad naman nito. "Asikasuhin mo na lang 'yong plano natin

