Maagang dumating ang mga magulang ni Nathalie kinaumagahan, kaya nagpaalam naman ako sa kanila na may aasikasuhin muna ako. Pumayag naman sila para rin daw makabawi sila sa anak nila. Dumaan na muna ako sa bahay para maligo at magbihis, kailangan ko rin dumaan sa kompanya ko para i-check ang daily reports. Nang nasa opisina na ako, binigay ko na muna sa aking mga tauhan ang mga trabaho ko. Kailangan ko na muna itoun ang aking atensiyon kay Nathalie, may tiwala naman ako sa kanila kaya nakakaasa ako na hindi nila ako bibiguin. Syempre, hindi puwedeng hindi ko puwede daanan ang kompanya ni Lucas. Nang makita ako ni Eve na palabas sa elevator agad niya akong sinalubong kasama si Cheena, ang dating secretary ni Nathalie. "Good Morning po Sir," bati sa akin ni Eve. Hindi ko ito pinansin bagk

