Troye's POV Hindi ko na alam ang gagawin kaya niyakap ko na lang ng napakahigpit si Nathalie, para maramdaman niya na may tao pa rin sa paligid niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, sobra akong nasasaktan na nakikita si Nat sa ganitong kalagayaan. Umiiyak pa rin ito at nagmamakaawa. Maya-maya pa bigla na itong kumalma at bumalik na naman sa pagiging tulala. "Nathalie, alam ko naman na hindi ko naipadama sa 'yo na mahal kita pero Nat mahal na mahal kita. Ginagawa ko naman lahat e, sadyang hindi mo lang makita kasi tinutulak mo kami. Magpagaling ka na Nat, handa akong hintayin ka." Umiiyak na saad ko rito sabay hinalikan ang noo nito. Yakap-yakap ko pa rin siya nang biglang bumukas ang pinto ng silid niya, may dalawang tao na pumasok. Pakiramdam ko ito na ang mga magulang ni Nat.

