"Paano na 'to ngayon Catherina?" Biglang saad ni Troye habang nakasanda sa upuan. "Hindi ko rin alam Troye e, baka siguro dahil sa sobrang lungkot kaya naging ganito ang resulta." Sagot ko naman sa kan'ya. "Hindi ako makapaniwalang tinulak siya palayo ng mga magulang niya, dapat nga maintindihan nila si Nathalie e pero anong ginawa nila? Tinulak nila ito at sinisi." Naiinis na saad naman ni Troye, kita sa mga mata nito ang poot at apagkamuhi. "Alam mo ba Troye walang nabanggit sa akin si Nathalie noon kung anong nangyare noong kabataan niya, kaya hindi ko siya matulungan ng bou kasi pilit niyang sinasarili ang mga pangyayari na dapat sabihin niya sa akin." Paliwanag ko rito. Tumayo na kami ni Troye nang makitang nilalabas na si Nathalie ng nurse na tumutulak sa higaan niya. Nakapikit p

