Chapter 13. Ynah’s POV "Bakit kaya may namumuong galit na naman sa dalawang 'yun?" Tanong sa amin ni Cassandra habang kaming tatlo na lang nila Jessica ang naglibot-libot dito sa mall. "Ewan ko rin ba! Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita-kita saka naman nagkaaway ang dalawang 'yun. Tsk! Parang dati lang hindi naman ganyan kalala ang away nila eh." Heto talagang si Jessica, kapag nagkukuwento o nagsasalita lang parang laging nakalunok ng microphone! Sa aming barkada, sila lang ni Margarette ang hindi nagbago sa kaingayan nila eh. Si Clarisse kasi naging matured na talaga. So nagiging maingay na lang talaga 'yun pag trip niya ang pagkasobrang hyper lang siya o kapag nasa mood. Napakamot na lang kami ng kani-kaniyang mga ulo at batok. Iniuwi muna namin kasi si Faye. Pero pinatahan muna

