Chapter 14. Ziekke’s POV Pagkauwi na pagkauwi ko dito sa bahay namin, dumeretso kaagad ako sa office room ni Daddy. Pero iniwan ko muna ang mga gamit ko dito sa sala, at ang pinagpalitan ko ng damit. Bahala na ang katulong namin na mag-ayos diyan. *Tok tok tok* Pagkatok ko sa pinto ng office ni Daddy, hindi ko na hinantay pa ang sasabihin niya kaya naman binuksan ko na ang pinto niya dito. Sana na lang talaga at nandito na siya ngayon. “Ikaw pala, Ziekke.” Bati sa akin ni Daddy habang hawak pa rin niya ang mga papers na hindi ko naman maintindihan kung ano man ‘yang inaasikaso niya. Lumapit kaagad ako sa kanya at saka ako nagmano, “How was your day?” Dagdag pa niyang tanong sa akin. “Okay lang po…” Sagot ko. Pabagsak kong binagsak ang sarili ko sa computer chair na katapat ng table n

