Chapter 15. Zayn’s POV “Ngayon na lang ulit tayo nagkita-kita ah. Kamusta naman ba kayo?” Tanong sa amin ni Daniel saka tinagay ang Empi lights na nasa baso niya. “Kaya nga eh! Kaso hindi naman tayo kumpletong mga lalaki.” Pagsang-ayon naman ni Justine. Talagang nag-effort pa 'yang pumunta dito. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila Daniel. Ngayon na lang din naman 'to, ngayon lang din kasi kami na-timing-an na pinayagan ng mga asawa namin. Hindi naman yata puwede na silang mga babae na lang lagi ang nagkakaroon ng oras sa isa’t isa. Siyempre kami rin dapat na mga lalaki. Ngayon na lang 'to, ang huli naming mga pagkikita ay kasama pa namin ang mga asawa namin nun. Hindi kasi kami pinapayagan ng mga asawa namin na kami kami lang daw na mga lalaki lang ang magkakasama 'pag ganitong mga

