Chapter 16. Renz’s POV Maaga rin namang nagkayayaan sa amin na magsiuwian na. Bukod sa limitado lang ang oras na ibinigay sa amin ng aming mga asawa para sa inuman na ito, may kani-kaniya rin kasi kaming inaasikaso. Ikinuwento sa amin ni Pareng Zayn kung paano sila nag-away ni Ynah nun habang nung mga oras na 'yun ay umiiyak at namomroblema pala si Faye dahil kay Clarisse. At heto pa nga ang hindi ko alam kung bakit nagkaganun na naman sila ni Clarisse. Wala na naman akong relasyon pa kay Faye. Maaga na naming tinapos 'yun, college pa lang kami. Ilang taon na rin naman ang nakalipas… 'Wag nilang sabihin na hindi pa tapos sa kanila ang isyu na 'yun? Eh hindi lang naman kami basta nakaperwisyo ni Clarisse, pati sila rin naman ni James ay nakinabang. Kaya nga ngayon, heto rin ang pinagta

