Chapter 16.5. Renz’s POV “Buksan mo na lang ang email mo para maintindihan mo ang pinupunto ko sa 'yo…” Pagkasabi na pagkasabi niya nun ay tumayo na siya at iniwan niya akong tulala dito. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Pagkasabi na pagkasabi sa akin ni Clarisse ay kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko dito at inayos ang sarili na para bang nawala bigla sa wisyo nang sinabi niya na buksan ko raw ang email ko. Anong mayroon dun? Eh hindi na nga ako masiyadong gumagamit ng Yahoo mail ko, maliban na lang kapag may mga usapang nego-negosyo. Eh dahil wala naman ako masiyadong kainteres sa mga negosyong 'yan, hinahayaan ko na lang ang mail ko dun kahit sobrang importante talaga nun kapag negosyante ka. Book store lang naman 'yung negosyo namin at hindi na rin kasi kaming nagbabalak pang mag

