Chapter 16.5.1. Faye’s POV “Hello?” Ito ang binungad ko kaagad nang sagutin ko ang tawag na galing kay Renz. Nagulat naman daw ako sa tawag niya dahil ngayon na lang muli siyang tumawag sa akin. I mean, nagkakausap naman talaga kami pero 'yung ganitong tawag sa phone? Nakakapanibago lang. Ano ka ba Faye, si Renz lang naman 'yan. “Nasaan ka ngayon?” Tanong niya sa akin na mas lalo ko namang ikinagulat. Ano namang nakain niya para tanungin niya ako kung nasaan daw ako ngayon? Tumingin muna ako sa buong paligid ng loob ng kuwartong ito. Ako lang kasi ngayon ang nandito sa kuwartong ito at ang mga bata ay may pasok ngayon. Si James naman ay nasa trabaho ngayon, “Sa bahay. Bakit mo naitanong?” “Puwede ba tayong magkita?” Napaupo na ako bigla nang itanong niya sa akin 'yan. Tama at malinaw

