"SALAMAT sa Diyos at nagising ka na, Ekang!" ang boses na iyon ni Aljun ang una kong narinig nang magising ako. Iginala ko ang paningin ko. Nakita ko sina Aljun, Qwerty at Astrid sa tabi ko. "N-nasaan ako?" tanong ko. "Diyos ko! Nagka-amnesia si Ekang!" histerikal agad si Qwerty. Kung malapit lang sana ako sa baklang iyon ay baka binatukan ko na naman siya. "Gaga! Nagtatanong lang ako kung nasaan ako, amnesia agad?!" "Nasa hospital ka, Ekang..." si Astrid ang sumagot. "Mabuti na lang at nakita kayo ng coast guards kagabi sa dagat." "Mabuti naman at ligtas kayo. Teka, si Aldrich...si Chelsea?" "Don't worry, Ekang. Ligtas sila. Mamaya ay pupunta rin sila dito para dalawin kayo ni Alden." "Eh, si Alden? M-may sugat siya! Kumusta na siya?" labis ang pag-aalala sa boses ko. "He's safe.

