GABI na ng JS Prom pero imbes na nandoon ako sa hotel kung saan gaganapin ang Prom ay heto ako sa kwarto ko at nakahiga habang nakatitig sa kisame. Inggit na inggit nga ako kanina nang makita kong umalis sina Tiara at Ciara na suot ang kanilang gown. Naantala ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon. Si Qwerty pala. Tumatawag. "Hello, Qwerty?" "Nasaan ka na? Malapit ng magsimula ang program! Kauna-unahan pa naman ang Search for Mysterious Diva!" histerikal na sabi sa akin ni Qwerty. Napangiwi ako dahil medyo masakit sa tenga ang lakas ng boses niya. "Eh, hindi kasi ako pinayagan ni Madam Loisel. Saka, wala naman akong susuotin na gown!" "Hay naku! Lumabas ka na ng bahay at pupuntahan kita diyan. Dalhin mo yung maskara, ha. Wag mong kakalimutan. Wag mo na r

