"EKANG, gusto mo bang kantahan kita?" tanong sa akin ni Aldrich habang nakaangkas ako sa bike niya. Doon ako nakapuwesto sa likuran kaya naaamoy ko ng pasimple ang kanyang likuran. Kinilig naman ako sa tanong niya. Masyado naman niyang kina-carrer ang pagiging slave ko. Wag ganyan, lalo akong nagkaka-crush sa'yo, eh. "Ikaw bahala," pa-demure kong sagot. "Ano bang gusto mong kanta?" "Kahit ano," sa totoo lang hindi talaga ako makapag-isip ng maayos sa sobrang kilig. "Sige. Pero uunahan na kita, hindi maganda boses ko, ha..." aniya. Maya-maya nga ay kinanta na niya iyong Just The Way You Are ni Bruno Mars. Hindi nga siya nagsisinungaling sa sinabi niyang hindi maganda ang boses niya. Totoo nga naman pala. Sintunado ang pagkanta niya kaya naman tawa ako ng tawa. Ang nakakatuw pa nito ay

