MAAGA pa lang ay gising na ako. Sabado ngayon at ngayon ang araw ng usapan namin nina Aljun at Qwerty na ime-make-over daw nila ako. Sana nga lang ay wala ng iutos sina Madam Loisel sa akin ngayon. Lahat kasi ng mga pwede nilang iutos ay ginawa at tinapos ko na in advance. "Ekang! Ekang!" Speaking of the devil! Tinatawag na ako ng devil este ni Madam Loisel. Lumabas na ako ng kwarto. Natagpuan ko silang mag-iina na nag-aalmusal sa kusina. "Bakit po, Madam Loisel?" tanong ko sa kanya. "Ekang, nalabhan mo na ba ang mga maruruming damit?" tanong niya. Tumango ako. "Opo, tapos ko na po. Naglaba po ako pagkauwi ko galing sa school kahapon." "Eh, ang kubeta? Nakuskos mo na ba ng bongga?" "Kagabi pa po. Pati po ang tiles at dingding ng banyo natin!" "Talaga lang, ha. Ang mga unan? Napalit

