Sa magkakasunod na palapag ay balot pa rin ng kapangyarihan ni Kyaka ang mga sumunod na pintuan kung saang dinala ni Demelos si Zarlo. Walang pakialam si Zarlo sa laro ni Kyaka. Gamit ang kanyang lakas at kapangyarihan ay isa isa niyang sinira ang mga letra na animo'y walang katapusan. Halos hindi mahabol ni Nia si Zarlo sa kanyang panghihina. Hila hila na lamang niya ang mga paa na nagpapakirot sa bawat hakbang na gawin niya. "Nia!" Nais man hawakan ni Konad ang dalaga ay hindi niya magawa sa takot na baka matamaan niya ang mga lapnos nito sa katawan. Halos matumba si Nia nang hindi lamang ang kanyang mga paa ang nagdudulot ng matinding sakit kundi maging ang mga sugat sa braso, binti, at sa kanyang likod. Masakit man ang bawat sulok ng kanyang katawan ay hindi niya naiwasang magtan

