Pinagmasdan ni Vexx ang armas ni Rava na sukbit sa kanyang likuran. Simbolo palang ng nakaukit na markha ay alam niyang karisma iyon. Binalaan niya si Nia. "Huwag kang pumayag. Isa siyang kusai. Nandito siya para kunin ang kapangyarihan mo." Bumaling ng tingin si Nia kay Rava. "Totoo ba?" Bahagyang nag taas ng kilay ang binata. "Na nandito ka dahil gusto mong ialay ko ang karisma ko sa `yo?" Umismid si Rava at bahagyang natawa. "Wala akong kailangan sa karisma mo. Nandito ako para ipaghiganti ang pagkamatay ni Prinsesa Ifri." Mariing tinignan ni Nia si Rava. Alam ni Nia na totoo ang sinasabi ng lalaki. Nararamdaman niya sa mga titig nito ang kasiguruhan sa kanyang ginagawa. "Vexx, paraanin mo ako." Bahagyang itinulak ni Nia si Vexx na bahagyang nakaharang sa kanyang daraanan. "Nababal

