Gamit ang mapa ay natunton ni Rava ang Bayan ng Menia. Malayo palang ay kitang kita na ni Rava ang mga kababaihang nagbubuhat ng mga kahoy na kanilang bilibilad sa araw. Putikan pa ang paligid ng bayan at mahihirapan ang kabayong sinasakyan ni Rava. Nagpasya ang binata na iwan na lamang ang kabayo at maglakad nalang patungo sa bayan. Umakyat sa puno si Rava upang pagmasdan ang mga kababaihan. Wala siyang ideya kung ano ang itsura ng Nia Olivia na kanyang hinahanap. Base sa mga ulat na ginawa ng mga kababayan niya ay may kasamang dalawang lalaki na pawang mga kusai rin. Sa mga natalo ni Nia ay gumuguhit sa isip ni Rava na hindi ordinaryong babae ang misyon niya. Amasona ang unang pumapasok sa isip niya dahil hindi biro ang makatakas sa Zhaffis at matalo ang kapitan doon. Nanatiling naka

