Lumabas si Nia kasama sina Konad at Leo. Sinalubong sila nina Leria, Vexx, at Zenon. Bahagyang napaurong si Leria nang makita niya si Konad na wala ng maskara. Hindi mapigilan ni Leria ang makaramdam ng takot dahil sa markha ng buwan sa noo ng binata. Ngumiti si Nia nang makaharap niya ang ale. "Leria, alam kong may takot ka kay Konad. Pero hindi siya ang halimaw. Iniligtas niya ako kay Moro na siyang tunay na halimaw. Ang mga nangyaring kamalasan sa Menia ay nagkataon lamang." Nilabas ni Nia ang kanyang karisma at ipinakita ang medalyon ng araw sa ale. "Hindi ko pa lubusang naiintindihan pero alam kong kakampi ko si Konad. Nararamdaman kong mabuti ang puso niya at hindi siya dapat kinatatakutan." Nang makita ni Leria ang medalyon ay napaluha ang ale at napatakip ng bibig. Hindi siya m

