Nakarating na ang balita ng tuluyang paggising ng diyos ng araw at pagkikita nila ng buwan sa kabundukan ng Ranar na nahihimlay sa timog ng Daestre. Kasalukuyang nagtitipon ang natitirang mga mamamayan ng Orerah na siyang tinubuang bayan ng pamilya Laurenas. Iilang pamilya lamang ang nakatakas nang mamatay ang huling hari at reyna labing limang taon na ang nakakaraan. Nakaupo ang tumatayong pinuno nila na si Basra na isang matandang lalaki na nangangalaga sa isang kusai na nasa ikalawang sektor. Bagamat may karisma ay nanghihina si Basra dahil nang mamatay si Prinsesa Ifri ay binalutan niya ng harang ang kabundukan ng Ranar upang itago ang mga mamayan sa mata ng mga kawal ng palasyo. Alam nila na kakailanganing muli ng palasyo ang hahalili sa prinsesa. Nakarating din sa kanila ang bali

