Isang araw na ang lumipas nang makamtam ng Menia ang kapayapaan mula sa sumpa ni Moro sa kanilang bayan. Maliban sa paglilinis sa bayan ay inalagaan ng mga kababaihan ng Menia ang kanilang mga bisita lalo na si Nia na sugatan dahil sa pakikipag laban. Pinupunasan ni Leria ang sugat ni Nia na kung saan nananatili pa rin ang batong nakatarak sa katawan ng dalaga. Sa kanilang bahay nanatili ang kanilang mga bisita habang ang anak niyang si Avo ay masaya ng nakikipaglaro sa labas na mataas na ang sikat ng araw. "Kailangan natin ng mangagamot para sa sugat ni Nia. Hindi ko kakayaning tanggalin ito." Pag aalala niya. "Malayo pa ang susunod na bayan mula rito. Matatagalan bago makabalik rito," ani Vexx. "Tumataas na ang lagnat niya. Nag aalala na ako. Nang dahil sa pakiusap ko, nang dahil sa

