"Sigurado ka na bang aalis na kayo?" ani Deram kay Nia. Handa na si Nia at kanyang mga kasamahan sa pag alis sa Nemre. Sa likod ni Deram ay naroroon din ang mamamayang tumulong sa kanila. Tumango si Nia. "Sigurado na ako. Huwag kang mag alala. Maayos na ako. Bumalik na ang lakas ko." Bagamat ilang oras lang ang pagitan nang maglaban sila ay gumaling na ang mga sugat at p*******t ng katawan ni Nia. Bumaling ng tingin si Nia kay Konad na ngumiti rin sa kanya. "May mahalaga pa kaming pupuntahan na hindi ko kayang ipagliban." Nilakad ni Nia ang tingin kay Rava na agad yumuko nang makita siya. "Saan nga ba ang bayan ninyo, Rava?" "S-sa katimugan. S-sa kabundukan ng Ranar, Prinsesa." Halos hindi makapagsalita nang maayos si Rava dahil sa nalamang tunay na katauhan ni Nia. May bahid ng pags

