Tuluyang napasubsob sa sahig si Deram nang marinig ang boses ng kanyang pinakamamahal. Sa tagal ng panahon ay inakala niyang hindi siya tunay na minahal ni Ifri. Napuno ng hinagpis at pagsisisi ang kanyang puso. Sa tuluyang pagbaba ni Nia ay siya ring pagkawala ng malakas na kapangyarihang dumadaloy sa kanyang katawan. Maging ang kanyang karisma ay bumalik na rin sa pagiging pana. Itinukop ni Nia ang kanyang palad sa noo dahil sa pagkahilong nararamdaman. Alam niyang ginamit ni Ifri ang kanyang katawan upang makausap si Deram. Kahit sandali lang iyon ay parang hinigop no`n ang kanyang lakas. Nagmistulang estatwa si Rava sa kanyang kinatatayuan. Nanginig ang kanyang mga paa na pilit niyang hinahakbang patungo kay Nia. Nagulat nalang ang lahat nang lumuhod si Rava sa harapan ng dalaga.

