Sa pagpalit ng grupo sa harang ay lalo lamang naging mahirap ang kanilang kailangang tahakin. Apoy ang sumalong sa kanila sa paglapit sa harang. Sinubukan mang pagalawin ni Vexx ang apoy ay hindi niya iyon mapasunod. "May daan doon!" ani Konad na itinuro ang tulay na gawa sa lubid. Iyon na lamang ang nakikita nilang daan na magdadala sa kanila sa harang. "Tara na!" sigaw ni Zenon. Sa pagtakbo ng grupo ay nakaramdaman ng kakaibang prisensya si Rava dahilan upang bagalan nito ang kanyang pagtakbo. Huli na para mabalaan niya ang mga kasamahan nang mapansin nito ang lubid na gumagapang pasunod sa kanila. Mabuti na lamang at hindi pa tuluyang naka abot ang kanyang mga kasamahan sa tulay na lubid na unti unting naghiwalay at gumalaw nang mag isa. Nang tignan ni Vexx ang pinanggagalingan ng

