"Rava! Gumising ka! Huwag kang makinig sa kanya!" sigaw ni Zenon. "Walang epekto `yan. Hindi tayo naririnig ni Rava." Pagpigil sa kanya ni Konad. Sa kanilang pagtanaw kay Rava ay naglalabas na kanyang katawan ng kanyang kapangyarihan ngunit binabahiran na ng kadiliman. Ang kanyang katawan ay tila ba nag apoy sa kislap ng kidlat na kanyang kapangyarihan. Walang anu ano ay itinaas nito ang kanyang kamay at doon nag ipon ng kanyang lakas. Sa pagbuo ng lakas na iyon ay sumabog hindi lamang sa kanyang palibot kundi maging sa kalangitan. Ang bawat kidlat na nagmumula sa kalangitan na tila na nag ngangalit sa lakas ay umaabot na sa lupa dahilan upang warakin ito. "Hindi ito maganda!" sigaw ni Vexx. "Gagamitin niya ang pinaka malakas niyang kapangyarihan!" Sa tuluyang parurok ng kanyang kap

