Agad na bumaba ang grupo nang tumigil ang tren sa estasyon nito. Walang sinayang na oras ang lahat na agad tinungo ng pinagmumulan ng liwanag na kanila nang namataan nang dumaong ang tren sa isla. Bakita nila si Nia na nasa itaas ng tuktok kasama ang isang bata. Malayo may ay naaninag nila ang hawak ng bata-- ang karima at nakadiin na iyon sa gitna ng tuktok. Mabilis na lumundag ang bawat isa sa kanila patungo sa mataas na gusali. Laking gulat ni Vexx nang muling makita ang hukay. Malayo na iyon sa itsura noon nang huli niya iyong makita. Sira sira na iyon. Gayunpaman ay nananatiling selyado iyon ng kanilang kapangyarihan. Matapos malaman ni Vexx noon na sinugod si Zarlo ng mga bangkay ay nagpasya silang lahat na piliting makarating sa Isla ng Enne. Batid nilang magiging problema ang lu

