"Gawing alay? Ano bang ibig mong sabihin?" "Huwag mo ng alamin iyon! Ibigay mo nalang sa akin ang Karisma mo!" Magpatuloy sa pagbuno ang dalawa para sa Karisma ni Nia. "Kahit pa anong sabihin mo... Hindi ko ibibigay ang Karisma ko sa 'yo!" Matagumpay na nakuha ni Nia ang kanya g Karisma. Natumba si Elias ngunit nigla na lamang napunta ang dalawa sa isang mataas na gusali kung saan mayroong malaking butas na may walang hanggang lalim. "Ipaliwanag mo sa akin ang rason mo sa pagdala mo rito sa akin!" Sandaling natahimik si Elias. "Sa katunayan, maging ako ay hindi ko rin alam kung bakit kailangan ialay ang karisma mo." "Ganoon naman pala! Bakit gustong gusto mo pa rin 'yong gawin?" Sigaw ni Nia. "Sinabi ko na sa 'yo!" Pinakalma ni Elias ang sarili bago ito nagsalita muli. "Nakita ko sa

