Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakabay ay maswerte silang maganda ang panahon. Katamtaman lamang ang lakas ng hangin sa paligid at maulap ang kalangitan. Sa pagtirik ng haring araw ay ang desisyon ang dalawa na pansamantalang tumigil sa lilim ng dalawang puno para doon na rin maka pananghalian at makapagpahinga. Nag alok si Almira na siya na ang magluluto ng mga biniling tuyong isda ni Leo habang nagpapahinga ang binata mula sa paglalakad. Pinagmamasdan ni Leo ang dalaga sa kanyang pagluluto. Anak siya ng isang pinuno kaya normal lamang na hindi ito sanay sa mga simpleng gawain ngunit natuwa ito nang makita niyang maayos na nagagawa ng dalaga ang pagluluto. "Ilang buwan ka ng wala sa inyo?" Sandaling nilingon ni Almira ang kasama na bahagya pa niyang ikinagulat nang kausapin siya

