Alam ni Nia na kailangan pa niyang magpahinga. Pinilit lamang niya ang sarili na tumayo para makapagpulong. Ngunit hindi niya inaasahan ang malamig na pkikitungo sa kanya ni Leo. Tangging naisip niyang dahilan ang huli nilang pag uusap. Wala siyang nasabi nang sabihin ni Leo na kalimutan na lang ang pagtatapat niya. Napako siya sa kinatatayuan na tila ba bigla na lamang nagkaroon ng malaking harang sa kanilang pagitan. Hindi niya maintindihan ang pinanggalingan niyon. Wala siyang ginawang mali na kahit pa nakita siya nito na kayakap si Rava. Hindi niya naiwasang isipin na baka mali ang naisip ni Leo sa yakap na iyon. Na baka naisip niya na pumili na ito. Nais niyang makausap ang binata para makapagpaliwanag ngunit nang dumating si Leo sa silid ay hindi man lamang siya nito tinitign

