Pinalakad ni Demelos ang kanyang mga galamay sa dalawang bituwing nasadlak sa kanilang mga laban sa kanya upang kunin ang mga Karismang kanilang iniingatan. Hindi na kinailangan ng mga iyon na lumapit pa kay Demelos sapagkat ang mga galamay ay siya na mismong kumain sa mga armas na nakadagdag sa taglay na lakas ng kalaban. Sa pagbagsak nina Vexx at Rava sa kalangitan ay agad na napaluhod si Rava. Labis niyang naramdaman ang pagkabawas ng kanyang lakas. "Hindi ko pa gamay ang kapangyarihan ko," aniya nang muli nitong piliting makatayo. Batid niyang wala siyang oras upang magpahinga. "Huwag kang mag alala, ako na muna ang lalaban sa kanya habang nag iipon ka ng lakas," ani Vexx na siyang muling pagpapalabas niya ng kanyang apoy na kapangyarihan. "Mag iingat ka. Hawak na niya ang dalawa p

